Saturday, May 11, 2013

sino ka ba sa akala mo?



sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong taga-lupa na nakatira sa planetang Earth at nagkatong namumuhay sa bansang Pilipinas. 

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong tao, may mukha, may katawan, may paa, humihinga, may ngipin, at walang kaabnormalan na nakuha. 

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong mamamayan, may kaputian, matangaos ang ilong, mahaba ang pilik-mata, at may kaliitan pero malakas ang dating, mukha kasing may anda.

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong lalaki, mahilig mag-gitara, marunong magpiano, magdrums, magdrawing, at kumuha ng mga nilalait kong maga litrato.

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong binata, mabait, masipag, makulet, magulo, puro kalokohan pero matiyaga at may panagarap sa kaniyang buhay.

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong anak, makasarili, nghahanap lagi ng pagmamahal pero alam ang kaniyang ginagawa, amrunong magdesisyon ng pansarili at hindi nakakalimot sa magulang at pamilyang kaniyang pinanggalingan. 

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong kaibigan, mapagbigay, mabisyo, masiyahin, laging andyan at alam mong kahit anong mangyayari ay hindi ka magagagawang iwan.

sino ka ba sa akala mo? Isa ka lamang ordinaryong taga-lupa, tao, mamamayan, lalaki, binata, anak, at kaibigan pero alam kong, pinapangarap kong makasama habang buhay.