Friday, October 26, 2012

Ang Pagmamahal Ko Sayo..

Ang Pagmamahal Ko Sayo..



        

            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang regalo. Natanggap ko ng wala pasabi, hindi ko alam noong una kung ano man ang laman nito pero buong puso ko tong binuksan at tinanggap and handog na nasa loob nito.




            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang bituin. Marami man ang kagaya mo na nagbibigay ilaw sa madilim kong gabi, liwanag mo pa rin ang aking hinahanap – hanap.



            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang bahaghari. Ito ay puno ng samu’t saring kulay na tila nagrerepresenta sa bawat emosyon na iyong nabibigay sa akin.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang elepante. Bukod sa ito ay aking paborito at hinding hindi ko magagawang tanggihan, kasing laki niya rin ito.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang accounting, sobrang dali ipaliwanag at sabihin pero mahirap sagutin at iapply dahil kailangan mo ito mapanatili na balance.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang paborito kong kanta. Paulit – ulit ko man pakinggan, at masaulo na ang bawat linya nito, hindi pa rin ako magsasawa na ito ay pakinggan at sabayan.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang kulay pula, maisip at makita ko pa lang, tila mga bituin na ang aking mga mata dahil gusto ko na ito makuha.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang drama sa telebisyon. Hindi ito nakakasawang subaybayan sapagkat mananatili sa aking ala-ala ang bawat pangyayari mula rito.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang libro, sa bawat pahina may ibang kwento, may masaya, may nakakilig, may nakakalungkot,  at may nakakaiyak. Hindi nakakasawang basahin at intindihin, mas masarap pang ulit – ulitin.



            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang salamin. Pilit kong inaalagaan na huwag mabasag sapagkat dito ko nakikita kung ano ang itsura at kung sino talaga ako.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang dress, dahil sa sobrang nakahiligan ko ng gamitin, di ko namalayan na sobrang ito na lang ang bumabagay na damit sa akin.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang susi, hindi ko magagawang buksan ang kandado ng puso ko kung hindi dahil dito. Ito ang nagbukas at nagbigay ng panibagong pagkakataon para magtiwala ako sa isang tao.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang beauty soap, habang tumatagal ang aking paggamit, lalo akong gumaganda at nahihiyang ito sa aking balat.



            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang computer, hindi ko alam kung paano gamitin noong una pero aking pinag-aralan mabuti kaya heto at ito ay aking kabisado na!



            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang larawan, ito ay hindi nakakasawang tingnan at sa bawat pagkakataon na aking makikita, ako ay mapapangiti na lamang at kikiligin basta basta.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang payong. Umulan man o umaraw nandiyan lang para ako ay protektahan, gabayan at ingatan.


             Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang ulap, sa tingin pa lang alam kong sobrang lambot na nito at masarap yakapin.


            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang kama. Nandyan palagi sa loob ng aking silid para pawiin ang bawat pagod at antok na aking nadarama.




            Ang pagmamahal ko sayo ay parang isang asukal. Sa sobrang tamis nito, minsan kailangan ng bawas bawasan at baka ikaw ay mauta at magsawa kaagad.
At ang pagmamahal ko sayo ay parang isang mundo, hindi ako makakagalaw ng wala ito at kahit saan ako magpunta, ikaw at ikaw pa rin ang aking babalik balikan pero ang pagmamahal ko sayo ngayon ay para nang isang malubhang sakit, gusto ko nang mawala at gumaling para makapagpatuloy sa panibagong buhay na darating. Kahit na patuloy ang pagdudulot nito ng sakit, pinagdarasal ko na dumating rin ang araw na lumipas ito at tila hindi na pumasok sa pagkatao ko.
            

No comments:

Post a Comment